Balita

Ryan, napuno na sa basher

- --Nitz Miralles

NAKAKALOKA ang bashers ni Ryan Agoncillo na karamihan ay fans ng asawang si Judy Ann Santos. Ang iba sa kanila, hindi pa rin matanggap si Ryan bilang asawa ni Judy Ann at ama ng mga anak nito.

Ang mas nakaloloka pa, karamihan sa bashers ni Ryan, hindi siya kilala ng personal at ni hindi pa yata nagkaroon ng chance na malapitan at makausap siya. Pero kung makapanghu­sga na mayabang ang TV hostactor ay ganu’n na lang.

Ilang beses na naming nabasa ang pambaba-bash kay Ryan at minsan, sa Instagram ( IG) account pa ni Judy Ann, pero pinalalamp­as niya. Itong bagong banat sa kanya na, “Ew yikes you look like a lesbian lmfao” hindi na pinalampas ni Ryan at sumagot siya.

“Does lack of class and homophobia really go hand in hand? Or just in your case where you’re a complete package?”

Hindi nag-agree sa basher ang followers ni Ryan sa sinabi nitong without Judy Ann ay “nothing” si Ryan. Unfair naman ‘yun dahil mahusay na TV host si Ryan, mahusay na actor at hindi nababakant­e ng trabaho.

 ??  ?? Ryan at Judy Ann
Ryan at Judy Ann

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines