Balita

Ginang, sa mini bus isinilang ang ika-11 anak

- Mar T. Supnad

MARIVELES, Bataan – Isang 40-anyos na ginang ang nagsilang ng kanyang ika-11 anak sa loob ng namamasada­ng mini bus, at dahil sa sakto sa panahong pagsaklolo ng isang kumadrona ay naisalba ang buhay ng ina mula sa labis na pagdurugo.

Sakay si Marivic Opinio sa mini bus na tumatahak noon sa Roman Highway sa Barangay Batangas Dos sa Mariveles nang biglang mag-labor ang ginang at magdugo dahil malapit na itong manganak.

Kaagad na humingi ng tulong ng pulisya ang hindi nakilalang mini bus driver, kaya humingi ng ayuda si PO3 Jonathan Torcutor kay Maria Alaine Hershey Balan, kumadrona sa munisipyo ng Mariveles.

Dahil sa maagap na pagrespond­e ni Balan sa mag-ina, nailigtas niya ang buhay ni Opinio mula sa labis na pagdurugo, at maluwalhat­i nitong naisilang ang isang malusog na sanggol na lalaki.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines