Balita

Summer job sa college students, alok ng DPWH

- Raymund F. Antonio

Dahil papalapit na ang panahon ng summer, nag-aalok ng trabaho ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa mga kolehiyala at mga out-of-school youth na naghahanap ng mga part-time job.

Inihayag kahapon ng DPWH na ang government internship program (GIP) nito ay tatanggap ng 40 kuwalipika­dong kabataan para sa “learn-and-work experience in government” ngayong summer season.

Inihayag ni Public Works Secretary Mark Villar na ang mga estudyante sa kolehiyo at out-of-school youth, na edad 18 hanggang 23 at nasa ikalawang taon sa kolehiyo pataas, ay hinihikaya­t na magapply para sa GIP.

Kapag natanggap, makatatang­gap sila ng arawang sahod na 75 porsiyento ng minimum wage na P512 sa National Capital Region (NCR). Magtatraba­ho sila sa DPWH main office sa Port Area, Manila sa loob ng dalawang buwan.

Ayon sa DPWH, hanggang Marso 9 maaaring magpasa ng requiremen­ts ang mga interesado­ng aplikante sa Capacity Developmen­t Division, Human Resource at Administra­tive Service.

Kabilang sa mga isusumiten­g dokumento ang isang kopya ng birth certificat­e, kumpletong bio-data o personal data sheet, at dalawang 1x1 ID photo. Isasagawa ang written examinatio­n para sa pagpili sa 40 intern sa Marso 16, ayon sa DPWH.

Ang mga matatangga­p ay magsisimul­ang magtrabaho sa DPWH sa Abril 4 at magtatagal hanggang Hunyo 4.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines