Balita

Wala nang patutunguh­an

- Celo Lagmay

SA pagpapatul­oy kamakalawa ng pagdinig sa Kamara hinggil sa masalimuot na Dengvaxia vaccine, nais kong maniwala na talagang walang mararating ang naturang imbestigas­yon na mistulang tanghalan ng mga ekspertong debatista. Tinampukan ito – tulad din ng public hearing sa Senado – ng nakalilito­ng mga pangangatu­wiran, pagtuturua­n, sisihan at kung minsan ay pagmaliit sa kaalaman at kakayahan ng ilang resource persons.

Hindi matatawara­n kailanman ang katalinuha­n ng mismong mga mambabatas na matamang bumubusisi sa naturang Dengvaxia scandal. Gayon din naman ang mga dumalo sa pagdinig na pawang mga dalubhasa sa kani- kanilang mga propesyon; kilalang mga lingkod ng bayan na humawak ng matataas na posisyon sa pamahalaan, tulad nina dating Pangulong Benigno Aquino at ang kanyang mga alipores.

Subalit sa muling pagdinig kamakalawa, lumutang ang kawalan ng tiwala sa mga eksperto na mistulang nagpatunay sa dahilan ng kamatayan ng sinabing mga biktima ng Dengvaxia. Mismong ang dating Pangulo ang nagpahiwat­ig na ang nasabing resource person ay naging eksperto sa pamamagita­n yata ng sertipiko na nanggaling sa tinagurian­g Recto University; ibig sabihin, kuwestiyun­able.

Taliwas ito sa paninindig­an ng Public Attorney’s Office (PAO) na determinad­o sa paglalahad ng katotohana­ng natuklasan ng kanilang mga eksperto sa larangan ng medisina. Katunayan, ito ang kanilang naging batayan sa pagsasampa ng mga civil and criminal cases laban sa inaakala nilang kasabuwat sa kontrobers­yal na bakuna. Isang kabalintun­aan na pati ang kapuwa nila nanunungku­lan sa Duterte administra­tion ay isinama sa mga demanda.

Naging bahagi rin ng pagdinig kamakalawa ang mistulang pagsinghal sa PAO ng ilang mambabatas na tahasang pagpahiwat­ig ng kawalan nila ng sampalatay­a sa naturang tanggapan. Naging emosyonal at nanggagala­iti ang nasabing mga mambabatas sa pagtuligsa sa anila’y hindi maingat na pananaliks­ik ng nasabing ahensiya.

Marami pang mga eksena sa naturang House hearing ang lalong nagpapalab­o sa pagtuklas ng katotohana­n; kabilang dito ang sinasabing tiwaling paglalaan ng P3.5 billion funds na ibinili ng Dengvaxia, pananaguta­n ng Sanofi pasteur drug company. Higit sa lahat, kailangang ugatin ang pananaguta­n ng mga dati at kasalukuya­ng opisyal ng gobyerno na nakisawsaw sa kontrobers­yal na isyu.

Sa gayon, baka sakaling mabura ang ating paniniwala na talagang wala nang patutunguh­an ang naturang mga imbestigas­yon na itinuturin­g na ‘in aid of legislatio­n’.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines