Balita

Ed Sheeran, best- selling global artist ng 2017

-

ANG British singer-songwriter na si Ed Sheeran ang hinirang na world’s best-selling artist of 2017 nitong Lunes, dahil sa kanyang album na Divide at singles na Shape of You at Perfect.

Ipinahayag ng Internatio­nal Federation of the Phonograph­ic Industry (IFPI) na ang Divide, na inilabas noong Marso arso 2017, ay naging multi-Platinum num sa 36 na bansa.

Ang pop ballad ni Sheeran na Shape of You rin ang bestsellin­g single globally ng 2017 at sertipikad­ong multi-Platinum sa 32 bansa, ayon sa organisasy­on.

Sinabi ng IFPI na ngayon lang nakuha ng iisang recording artist ang best-selling album at ang single of the year.

Si Sheeran, 27, ay unang sumikat sa England noong 2009 at 2010 nang maglabas ng kanyang mga awitin sa online.

“Ed is truly an incredible songwriter, vocalist and performer, whose ability to tell stories and make people feel is what stands him out from the crowd,” saad ni Max Lousada, chief executive ng recorded music sa Warner Music Group record label ni Sheeran, sa pahayag na inilabas nitong Lunes. Kilala sa kanyang ginger hair at pagiging mahiyain, pinakilig ni Sheeran ang kanyang fans noong nakaraang buwan nang ipahayag niya ang kanyang engagement sa kanyang childhood friend na si Cherry Seaborn, na nakilala niya simula noong siya ay 11 anyos. Samantala, ang Canadian rapper na si Drake at ang album nitong More Life ang second biggest seller globally for 2017 at pumangatlo naman ang Reputation ni Taylor Swift kahit nitong Nobyembre 2017 lamang ito inilabas.

 ??  ?? Ed
Ed

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines