Balita

PAGDILA SA APOY

-

Ika-83 labas

SA mga nakita niya at naramdaman kay Manding, isang bagay ang tiyak na niya: Si Manding ang tinatawag na birheng lalaki.

Loge ang pinasok nila. Isa iyong pelikulang ingles na ni hindi naman nila pinag-aksayahang basahin kahit na ang titulo. Ngayon ay natiyak nilang hindi naman maganda ang pelikula dahil iilan ang nababanaag­an nilang nanonood na hiwa-hiwalay pa.

Ang pinili ni Melanie ay sa isang sulok. Malayo sa iilang nanonood. Doon sa halos ay sarili nila.

Matagal na silang nakaupo sa sulok na iyon. Nasa isip ni Melanie, bakit ba sila naroon sa lugar na sarili nila? Siya, may dahilan. Si Manding, wala? Si Manding ang lalaki, dapat sa kanya magmula ang pagkilos. Naiinip na si Melanie.

Nararamdam­an ni Melanie, wala naman sa pelikula ang atensiyon ni Manding. Siya man, di ba? Alumpihit si Manding sa pagkakaupo. Kung may gusto kang gawin, simulan mo na. ikaw ang lalaki, ikaw dapat ang mas agresibo. “Ang lamig, Manding…di ba?” “O-oo nga…m-malamig nga.” “Dapat nagdala tayo ng dyaket.” “D-dapat…n-nga…” Bumuntong-hininga siya. Bumuntong-hininga rin si Manding.

Gagong Manding ito. Kung hindi ako kikilos…matatapos ang pelikulang ire nang panis kami pareho, humpt!

Ini-akbay niya ang isang kamay sa balikat ni Manding. “Ang ginawgianw talaga. Hindi yata ako tatagal… ngii!”

“G-gusto mo, mahal…l-lumabas na tayo?” Talagang bugok! Gago ka! Pampagana lang ito, ulol. Kung lalabas tayo, saan na tayo pupunta? Uuwi? Hindi, oy.

Sa halip, magsabi ng kahit ano, yumakap na siya nang husto kay Manding. Idinikit niya ang bibig niya sa mukha ni Manding.

Hindi naman pala napakapata­y na lukan si Manding. Nang yumakap siya, yumakap din. At bumaling sa kanya ang mukha nito. Sinalubong ng bibig ang bibig niya. Bingo!

Sa simula’y kaylamig ng bibig ni Manfing. Pero unti-unti, umiinit. Pero tanga talaga! Bakit panay ang diin sa bibig a tikom.

Kailangan ay siya ang magturo. Kung baga sa eskwela, hindi pa nagsisimul­a si Manding sa kinder. Binuksan niya ang b ibig niya at bigla’y marunong na si Manding. Nagsalubon­g ang mga dila nila!

Hindi na masyadong tanga si Manding. Marahil, nagising na ang naturalisa nito. Di ba maging ang mga walang muwang na hayop, hindi na kailangang turuan pag dumating ang panahong kailangan na nilang gumawa ng paraan para dumami?

Nililibot na ng bibig ni Manding ang kabuuan ng mukha niya. Sa pisngi, sa ilong, sa mga mata, sa noo, sa baba. A, sa lahat ng parte ng kanyang mukha. Sisimutin ba ni Manding ang kanyang bango?

Bumalik uli sa bibig. Matagal. Mariin. Aaa, hindi na yata siya makahiga! Gusto bang lunukin ni Manding ang kanyang dila?

Nang maglayo ang kanilang mga bibig, pareho silang naghahabol ng paghinga.

“Ang galing mo!” bulong niya sa taynga ni Manding. “Akala ko, hindi ka marunong.”

Sa pagitan ng mga paghingal, sabi ni Manding: “Hindi ko pa rin mapaniwala­an na susuwertih­in ako ng ganito. Nananagini­p lang ba ako?”

Tumawa siya ng mahina: “Gising ka, Manding.” Ang hindi niya sinabi: Kailangang maitulak na kita sa higit kong gusto.

Dinala niya ang kamay niya sa kandungan ni Manding.

 ??  ??
 ??  ?? R.V. VILLANUEVA
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines