Balita

J.Law na nakatunton­g sa mga upuan at may hawak na baso ng wine, viral

-

TILA kambal si Jennifer Lawrence at ang Oscar statue. Dumalo ang aktres sa awards show kahapon suot ang nagniningn­ing na gunmetal Dior gown.

Hanggang sahig ang haba ng sequined dress at ang pang-itaas ay bra-like top. Hapit ito hanggang sa bewang, ngunit medyo lumuwag sa bandang ibaba, kaya nagmukha siyang makintab na award, ang tropeo, na ninanais makamit ng lahat ng dumalo sa gabi ng parangal.

Binagayan naman ang golden gown ang kanyang loose, wavy blonde na buhok, at upang hindi masapawan ang ningning ng kanyang gown, tinernuhan niya ang gown ng maliit na alahas na hindi gaanong makislap.

Upang hindi mapagkamal­an sa aktuwal na Oscar, tinernuhan ni Lawrence, na binihisan ni Jill Lincoln at Jordan Johnson, ng pulang lipstick at dark eye ang kanyang itsura.

Gayunman, kahit napakagand­a ng kanyang postura ay hindi iyon ang nakatawag pansin sa media. Bagkus, ang napansin ay ang hawak niyang baso ng wine sa buong gabi at ang kanyang pagtuntong sa mga upuan, upang lumipat ng puwesto, na walang natapong isang patak mang wine.

 ?? Jennifer ??
Jennifer

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines