Balita

500 pamilya nasunugan sa jumper

- Ni JUN FABON

Dahil umano sa ilegal na koneksiyon sa kuryente o “jumper”, nawalan ng tirahan ang 500 pamilya sa pagsiklab ng apoy sa residentia­l area sa Quezon City, nitong Martes ng gabi.

Sa ulat ni QC Fire Marshall Senior Supt. Manuel M. Manuel, nagliyab ang dalawang palapag na bahay ni Pelino Tabon, sa Area 6-B, Barangay Botocan ng nasabing lungsod, dakong 6:10 ng gabi.

Sa pagsisiyas­at ni Chief Insp. Rosendo V. Cabillan, hepe ng Investigat­ion and Intelligen­ce Division ng BFP sa Quezon City, mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang 150 bahay na pawang gawa sa lights materials.

Umabot sa 30 fire truck ang rumesponde sa lugar at umabot sa ikalimang alarma ang sunog bago naapula pasado 12:00 ng hatinggabi.

Ayon sa arson investigat­ors, dahil sa ilegal jumper, na sinasabing negosyo ni Tabon, ang sanhi ng insidente.

Nabatid pa sa imbestigas­yon na bandang 6:00 ng gabi ay naginspeks­iyon ang Manila Electric Company (Meralco) sa lugar at pagkatapos ay muling ikinabit ng mga residente ang mga jumper.

Aabot sa P2 milyon ang halaga ng mga ari-ariang naabo.

Pinaghahan­ap na ng awtoridad si Tabon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines