Balita

Mangosong, wagi sa MMF Supercross

-

MABUNYI ang simula ng kampanya ni Davao-pride Bornok Mangosong sa unang yugto ng Shell Advance Pro open production ng MMF Supercross Championsh­ips nitong Linggo sa Mx Messiah Fairground­s sa Taytay, Rizal.

Nahirapan, ngunit nalusutan ng lider ng Team UA Mindanao ang determinad­ong hamon nina Jerick Mitra at magkapatid na JC at Enzo Rellosa upang pagharian ang unang serye ng karera na suportado ng Dunlop Tires, Potato Corner at Yamaha Motor Philippine­s.

“Round one was a success for Team UA. We were able to do our game plan. Good start and right pacing. 20 laps is long, so I just had to get the right pacing,” sabi ni Mangosong na pumangatlo sa qualifying bago ibuhos ang husay sa pinakamaha­lagang karera na pinanood ng mahigit sa 2,000 nagsisigaw­ang miron na hindi inalintana ang alikabok at matinding init ng araw.

“Get the hole shot and maintain the pacing, pero dahil mga kaibigan mo ang kasama mo sa race, it turned out to be a fun and exciting match,” ani ni Mangosong na pambato ng Yamaha.

Napanaluna­n ni Mangosong ang P10,000 samantalan­g naiuwi ni Mitra ang P7,000. May nakuhang P5,000 si JC.

Pinatunaya­n ni Jolet Jao na hindi hadlang ang edad upang sumiklab matapos isalba ang ikaapat na puwesto at P3,000 samantalan­g tinapos ni Enzo ang karera na nasa ikalimang puwesto na may P2,000.

Walang kawala kay Jao ang unang puwesto sa Veterans Open.

Sa iba pang mga kategorya, nanalo si Pia Gabriel sa Ladies Class samantalan­g numero uno si Wenson Reyes ng Bulacan sa Kids 65 (12 and below). Nanalo si David Viterbo ng Taytay sa Kids 85 (14 and below)

Nanalo si Shana Tamayo sa Kids 50 (9 and below) at Joshua Tamayo sa Kids (6 and below). Kinuha nina Joseph Renoso, Juolee Mendoza at Peter Loyola ang Potato Corner sa Open Local 2 Strokes, Open Local 4 strokes, at the Power Enduro class.

Nagsipagwa­gi rin sina Jojo Sayas sa Executive Open production, Arvin Bacas sa Open underbone, Anaki Antonio sa Amateur Open production at Joseph Penaso sa the Uniformed Personnel class.

Itinataguy­od ng Generation Congregati­on at Shell Advance Motorcycle Oil ang unang yugto ng serye. Pinamumunu­an ni Sam Tamayo ang Generation Congregati­on. Bago ang mga umaatikabo­ng mga karera ay pinamunuan ni Tamayo ang ‘’Learn to Ride’’ gamit ang mga motocross bikes mula sa Yamaha Motor Philippine­s.

“Learn to Ride is for everyone. Our aim is to promote the sport and to train future riders with the proper skills in motocross,” sabi ni Tamayo.

 ??  ?? PINAHANGA ni Mangosong sa kanyang ‘aerial stunt’ ang mga manonood sa Open division ng MFF Supercross Championsh­ip sa Taytay, Rizal.
PINAHANGA ni Mangosong sa kanyang ‘aerial stunt’ ang mga manonood sa Open division ng MFF Supercross Championsh­ip sa Taytay, Rizal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines