2 security aide ng doktor, dinukot

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY, Pangasinan - Humihingi ngayon ng tulong sa pulisya ang kaanak ng dalawang umano’y security aide ng isang doktor ng Region 1 Medical Center sa Dagupan City makaraang dukutin ang mga ito ng anim na armadong lalaki sa lungsod, nitong Martes ng umaga.

Kabilang sa mga dinukot sina John Mark Poyaoan at Rizaldy Decano, parehong taga-Lucao District, Dagupan City.

Sa pahayag ng mga kaanak ng dalawa, pauwi na ang mga ito sakay sa motorsiklo nang harangin at dukutin ng anim na lalaki na lulan sa Hyundai Starex van (PN-2667) sa AB Fernandez East, Barangay Mayombo.

Puwersahan anilang isinakay sa van ang dalawa at kaagad na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi mabatid na direksiyon.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang nasa likod ng insidente at ang motibo ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.