David, wagi sa Tarlac tilt

Balita - - Sports -

NAGKAMPEON si Enrique David II ng Rodriguez, Rizal sa katatapos na Paniqui 2050 and below Non-Master chess tournament na ginanap sa Barangay Hall ng Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac nitong weekend.

Nakalikom si David ng walang bahid na pagkatalo sa kabuuang 6.5 puntos sa pitong laro sapat para maibulsa ang top prize P3,000 plus elegant trophy sa event na sinuportahan ng Santillan Family na inorganisa ni Alfred Miranda.

Magugunita na si David kasama ang kanyang teammate at mentor na si Thailand blitz King Alvin Roma na naghatid sa kampeonato ng Rodriguez, Rizal sa local tournaments.

Naiuwi naman ni Joey Lapurga ng Moncada, Tarlac ang ika-2 puwesto sa pagkamada ng 5.5 puntos para matanggap ang runner-up prize na P2,000 plus trophy, habang nagkasya naman sa ika-3 puwesto si Lowell Palarca ng Tarlac City sa pagtala ng 5.5 puntos tungo sa pagkamit ng 3rd prize na P1,000 plus trophy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.