Balita

5 rebelde, sumuko sa Pampanga

- Light A. Nolasco

FORT MAGSAYSAY, Palayan City, Nueva Ecija – Limang rebelde na kumikilos sa Arayat, Pampanga ang sumuko sa lokal na pamahalaan ng Sta. Ana, Pampanga nitong Marso 8.

Hindi muna binanggit ni 1st Lt. Catherin Hapin, ng Public Affairs Office, 7th Infantry Division ng Philippine Army (PA), ang pagkakakil­anlan ng limang rebelde na boluntaryo­ng sumuko kay Arayat Mayor Norberto Gamboa, sa tulong na rin ng 48th Infantry Battalion (48th IB) at ng pulisya sa Pampanga.

Ayon kay Hapin, isinuko rin ng mga rebelde ang kanilang mga armas, katulad ng improvised shotgun, isang .9mm caliber pistol, at tatlong .30 caliber rifle.

Tatanggap din ng insentibo mula sa pamahalaan­g panlalawig­an ng Pampanga ang mga sumuko.

Isasailali­m din ang mga ito sa pagsusuri, alinsunod na rin sa programang Comprehens­ive Local Integratio­n Program (CLIP), na layuning magbigay ng tulong pinansyal at hanapbuhay tungo sa mapayapang pamumuhay ng mga rebelde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines