Balita

LizQuen nagkaamina­n na

- Ni REGGEE BONOAN

SA intimate interview ng reporters kay Liza Soberano pagkatapos ng presscon ng epicseryen­g Bagani kahapon sa Dolphy Theater, sinabi niyang tuloy na tuloy pa rin ang shooting nila ng Darna kaya wala siyang idea kung ano ‘yung lumabas na shelved na raw ang project.

Tinanong namin si Liza kung okay lang ba sa kanya na hindi si Enrique Gil ang leading man niya sa Darna. “Yes, we have our respective projects and it’s also good that not on our separate ways but we have our own work din para mag-grow kami and we get to work with different actors as well,” klarong sagot ng dalaga.

Hindi pa alam ni Liza kung sino ang magiging leading man niya sa Darna.

“Actually wala pa pong final, nagka-casting pa lang sila.”

Pero inamin ni Ganda (karakter niya sa Bagani) na isa si Tony Labrusca sa mga nababanggi­t na posibleng makasama niya.

“I think yes, he’s one of the options po,” sabi ng pinakasika­t na young actress ngayon.

Napangiti naman si Enrique nang balingan namin ng tanong kung hindi ba siya ang leading man ni Liza sa Darna.

“Okay lang po sa akin at sinabi ko po before kung ano ang project na gagawin niya, lalo na sa Darna, I will support her.”

Hayan, LizQuen supporters, huwag ninyong ibabash kung sinuman ang kuning leading man ni Liza sa Darna dahil may basbas naman ni Enrique.

Anyway, indirect nang inamin ni Liza na ‘sila na’ talaga ni Quen bilang sagot sa tanong kung ano na ang real score nila ng binata dahil kinumpirma nito na ‘taken na’ ang lahat ng cast ng Bagani. Napangiti si Liza sabay sabing, “Exclusive!” Nang tanungin kung kailan naging sila officially, “Ha? Wala pang date,” nakangitin­g sabi ng dalaga.

Kung ganoon, paano ilalarawan ng LizQuen ang relasyon nila?

“I’ve said this before na ever since siya lang ang babae talaga for me,” say ng aktor.

“For me, he’s the perfect guy!” salo naman ni Liza. “And he’s someone who is always there for me, always there for me.”

Kumpara noon, komportabl­e na ang LizQuen na pag-usapan ang kanilang relasyon ngayon.’

“Nagma-mature na po kami,” napangitin­g sabi ng dalaga.

Samantala, pagkatapos ng grand presscon at nagkaroon ng thanksgivi­ng mass para sa buong team ng Bagani. Pasasalama­t nila ito sa napakataas na ratings na nakukuha nila simula ng mag-pilot sila nitong Marso 5. Hindi sila bumababa sa 30%, batay sa viewership survey data ng Kantar Media.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines