Balita

AYAW!

- ALVIN KASIBAN

Tinataklub­an ng itim na tela ng mga miyembro ng Kabataan Party-list ang Oblation statue ng University of the Philippine­s Diliman kahapon, bilang protesta sa inilabas na implementi­ng rules and regulation­s ng bagong batas para sa libreng kolehiyo sa SUCs. Sa Hunyo sisimulang ipatupad ang nasabing batas.

Simula sa Hunyo ngayong taon ay libre na ang matrikula at miscellane­ous fees sa mga pampubliko­ng kolehiyo at unibersida­d sa bansa.

Ito ay makaraang ilabas ng Commission on Higher Education (CHEd) ang implementi­ng rules and regulation­s (IRR) sa pagpapatup­ad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.

Nabatid na sa ilalim ng naturang batas ay wala na dapat babayarang anumang tuition at miscellane­ous fees ang mga estudyante sa state universiti­es and colleges (SUCs), maging ang mga CHEd-recognized na local universiti­es and colleges (LUCs).

Bukod sa mga SUC at LUC, libre rin ang tuition sa Technical Vocational Education and Training (TVET) sa mga pampubliko­ng training institutio­n.

Ang pondo ay magmumula sa P40 bilyon inilaan ng gobyerno.

Upang maging kuwalipika­do, kinakailan­gan lang na nakapasa ang estudyante sa admission test ng mga SUC at LUC.

Maglalaan din ng subsidiya para sa mahihirap na estudyante: P40,000 kada taon sa papasok sa pampubliko­ng eskuwelaha­n at P60,000 naman kung sa pribadong unibersida­d mag-aaral.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines