Balita

AGUIRRE AYAW MAG-RESIGN

- Ni BETH CAMIA May ulat nina Argyll Cyrus Geducos at Mary Ann Santiago

Matigas na pinaninind­igan ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na hindi siya magbibitiw sa puwesto kahit na marami na ang nananawaga­ng gawin niya ito.

Naglabasan ang panawagan ng pagbibitiw ni Aguirre matapos na ibasura ng panel of prosecutor­s ng DoJ ang reklamo laban kina Peter Lim, Kerwin Espinosa, Peter Co, at sa 16 na iba pa.

Ayon kay Aguirre, kung magbibitiw siya sa puwesto ay mistulang inamin na niya na guilty siya sa isyu.

‘MAGBIBITIW LANG AKO KUNG…’

Iginiit din ni Aguirre na wala siyang kinalaman sa naging pasya ng National Prosecutio­n Service (NPS) at hindi dumaan sa kanya ang naibasuran­g drug case na inihain ng Philippine National Police-Criminal Investigat­ion and Detection Group (PNP-CIDG).

“Magbibitiw lang ako sa puwesto kung mapapatuna­yan na ako ay may pagkakamal­i sa kontrobers­iya, o ‘di kaya ay kung mismong si Pangulong Duterte na ang magsasabi,” pahayag ni Aguirre.

Kaugnay nito, inihayag kahapon ng Malacañang na nananatili pa rin ang tiwala ng Pangulo kay Aguirre bagamat totoong nadismaya si Duterte sa pagkakabas­ura ng kaso laban sa grupo ni Espinosa.

“He said so [Sinabi ni Pangulong Duterte na tiwala pa rin siya kay Aguirre]. But as I said, while you don’t take the President literally, you must take him seriously,” sinabi kahapon ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque.

“He could consider this as a joke and he said it in a rather jokingly manner. But he doesn’t waste words. I think the message is, he’s not happy with the decision,” dagdag ni Roque.

Magugunita­ng maraming mambabatas ang nadismaya sa naging pasya ng DoJ sa nasabing kaso, at nagmungkah­ing magbitiw na lang sa puwesto ang kalihim.

SERYOSO BA ANG DRUG WAR?

Mismong si Pangulong Duterte ay nagalit kay Aguirre at nagpahayag ng pagkadisma­ya sa nangyari.

Dahil dito, hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippine­s-Episcopal Commission on the Laity, ang gobyerno na patunayang tunay silang kontra sa laban sa pagko-convict sa mga drug lord.

“Kung talagang mapatunaya­n nila na against sila sa drugs, may mga patunay sila na may mga drug lord na nahuhuli at natitigil ang supply ng drugs,” sinabi ni Pabillo sa panayam ng Radio Veritas. “Seryoso ba sila talaga sa pagtanggal ng droga o ginamit lang nila ang droga pampanakot sa kalaban nila?”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines