Balita

Mai-stranded sa Lunes, may libreng sakay

- Alexandria Dennise San Juan

Naghahanda ang gobyerno na magpakalat ng mga pribado at pampubliko­ng bus upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasaherong maaapektuh­an ng ikakasang tigilpasad­a sa Lunes, Marso 19, laban pa rin sa jeepney modernizat­ion program ng pamahalaan.

“We have activated the Joint Quick Response Team (JQRT) for Transporta­tion. Twenty private buses will be fielded together with government vehicles in six staging areas,” sabi ni Atty. Aileen Lizada, miyembro ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay makaraang ihayag ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na magsasagaw­a ito ng tigil-pasada sa Lunes laban pa rin sa programa sa modernisas­yon ng mga pampubliko­ng sasakyan.

Bukod sa transport strike sa Lunes, magsasagaw­a rin ang PISTON ng mga protesta sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, kaya naman magkakaloo­b ng libreng sakay ang LTFRB sa mga maaapektuh­ang pasahero, at nasa 40 “bus marshall” ng Philippine National Police (PNP) ang itatalaga sa bawat bus.

Libre ang sakay sa mga sasakyan ng gobyerno, habang ang mga pribadong non-airconditi­oned bus ay sisingil ng P10, at P12 naman sa air-conditione­d bus.

Sa kabila nito, muling iginiit ni LTFRB Chairman Martin Delgra III na itutuloy nila ang modernizat­ion program ng mga pampubliko­ng sasakyan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines