Balita

Preso patay sa ‘heat stroke’

- Mary Ann Santiago

Heat stroke ang sinisilip na dahilan ng pagkamatay ng isang bilanggo sa Pasig City Police, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on arrival sa Rizal Medical Center si Antonio Coronel, 59, ng 97 Dodge City Street, Barangay Sagad, Pasig City.

Base sa ulat, idinaing ni Coronel ang pananakit ng kanyang dibdib at hirap sa paghinga habang nasa loob ng detention cell No. 2 ng Pasig City Police, na matatagpua­n sa C. Raymundo Avenue, Bgy. Caniogan ng nasabing lungsod, dakong 7:30 ng gabi.

Ipinabatid ng mga bilanggo kay Duty Jailer PO1 Lester Galong ang kalagayan ng biktima at nag-request ng ambulansiy­a upang isugod sa ospital, ngunit binawian ng buhay.

Nabatid na inaresto si Coronel matapos makumpiska­han ng 69 na pakete ng umano’y shabu, nagkakahal­aga ng P70,000, nitong Miyerkules.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines