Balita

Reblocking, road repairs sa QC at Taguig

- Betheena Kae Unite

Sarado sa trapiko ang ilang bahagi ng anim na pangunahin­g kalsada sa Quezon City at Taguig dahil sa isasagawan­g pagkukumpu­ni ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend.

Inihayag ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro na kabilang sa isasagawa ang reblocking at road repairs simula nitong Biyernes ng gabi hanggang sa Lunes ng madaling araw.

Apektado ng road projects sa Quezon City ang northbound ng Quirino Highway mula sa Pagkabuhay Road hanggang Kingspoint, inner lane; Congressio­nal Avenue, mula sa San Beda Road hanggang Visayas Avenue, first lane; EDSA sa harapan ng Shell Gas Station hanggang Oliveros Street, fourth lane; at A. Bonifacio Avenue, mula sa Del Monte Street patungong Mauban Street, outer lane.

Kukumpunih­in din ang southbound ng A. Bonifacio Avenue patawid ng Sgt. Rivera, inner lane; at Visayas Avenue, harapan ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO), outer lane.

Bukod pa rito ang pagawain sa southbound ng C5-Road sa Taguig City mula K00015+000 hanggang K0014+(370), na isasailali­m din sa road repair works.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines