Balita

Graft vs. Baguilat, ipinababas­ura

- Czarina Nicole O. Ong

Ipinababas­ura ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. ang kasong graft na kinakahara­p niya sa Sandiganba­yan kaugnay ng pagbili ng umano’y overpriced na Isuzu Trooper na aabot sa P900,000, noong Marso 2003.

Sa isinampa nitong mosyon, hiniling ni Baguilat sa 5th Division ng anti-graft court na i-dismiss ang kaso dahil sa kanyang “right to speedy dispositio­n of cases”.

Masyado na aniyang tumagal ang kaso simula nang ihain ito sa Office of the Ombudsman noong Setyembre 24, 2009. At matapos ang ilang taon ay naghain na rin, aniya, siya ng mosyon na ipabasura ang kaso noong Nobyembre 19, 2013.

Aniya, humiling na siya ng update sa kaso noong Abril 14, 2015 dahil wala pa ring ibinababan­g resolusyon sa usapin.

Gayunman, nagtataka siya nang bigla na lamang maglabas ng resolusyon ang anti-graft agency na nag-uutos na kasuhan siya ng graft sa Sandiganba­yan nang makitaan ng probable cause ang reklamo noong Enero 11, 2016.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines