Balita

Retiradong seaman, pinatay

- Liezle Basa Iñigo

Patay ang isang retiradong seaman matapos itong barilin ng isang hindi nakilalang lalaki sa Cabatuan, Isabela nitong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Cabatuan Police ang biktimang si Bernardo Domingo, 69, ng Barangay Macalaoat, Cabatuan, Isabela.

Ayon sa pulisya, dakong 6:00 ng umaga kahapon nang lapitan at barilin si Domingo ng isang hindi nakilalang lalaki.

Dead on arrival sa ospital ang biktima sanhi ng dalawang tama ng bala ng baril sa dibdib.

Nagsasagaw­a pa ng imbestigas­yon ang pulisya upang matukoy ang suspek at motibo nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines