Balita

Muscles ni Arnold Schwarzene­gger, minana ng anak

-

LIKE hulking father, like hulking son. Nakuhanan ng litrato si

Arnold Schwarzene­gger at ang kanyang anak na si Joseph Baena habang nagbibisik­leta sa L.A. nitong Miyerkules. Sandali lamang silang tumigil ngunit agad silang napalibuta­n ng fans.

Kita sa larawan na kahit 20 taong gulang pa lamang si Baena, na Pepperdine student, at anak ng dating housekeepe­r ni Arnold na si Mildred Baena, ay nakuha niya ang tikas ng katawan ng ama.

Malaki ang ginagampan­an ng fitness sa relasyon ng mag-ama, na naging daan upang isapubliko ni Arnold ang tungkol sa anak, pagkaraan ng maraming taon. Noong Oktubre 2017, nag-post si Arnold, 70, ng litrato kasama si Joseph, na umano’y nakakuha ng matataas na grado sa school, ng happy birthday greeting, at tinawag pang “great training partner”.

Ilang beses na silang namataang nagbibisik­leta - madalas sa Venice Beach, California — at ang kanilang ultimate destinatio­n ay ang Gold’s Gym para magworkout.

Nitong nakaraang taon, sa Instagram account na umano’y pag- aari ni Joseph, nag- post siya ng larawan ng kanyang sarili sa Oktoberfes­t kasama ang ama at nagbiro tungkol sa popular na muscles ng tatay niya.

Miyembro si Joseph ng isang fraternity sa Cali college — at may girlfriend na.

Inihayag ni Arnold sa Men’s Journal na inayos na niya ang pinsalang naidulot niya sa kanyang apat na anak kay Maria

Shriver dahil sa paternity scandal — at maayos din ang relasyon niya sa kanyang late- to- be acknowledg­ed son. “You do think about it every so often,” aniya, “and I can beat myself up as much as I want — it’s not gonna change the situation. So the key thing is, How do you move forward? How do you have a great relationsh­ip with your kids?”

“You put one foot in front of the other — or one foot on each pedal — and go.”

 ??  ?? Joseph at Arnold
Joseph at Arnold

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines