Balita

PAGDILA SA APOY

Ika-100 labas

-

NAGSISIMUL­A

nang sumikat si Lagring o Princess na ngayon ay pagiging dancer sa Paraiso. Pero sabi ng floor manager hindi naman siya yayaman kung magtitiis lang sa suweldo niya bilang dancer.

“May karanasan ka rin naman sa probinsiya ninyo…”

“P’wede ba, Sir, ayoko nang isipin man lang ang lugar na ‘yon?”

“Sorry…sorry, Princess! Wala namang mangyayari sa tebolan ng higit sa hipu-hipo kung hindi ka papayag. At siyempre, ikaw ang masusunod at ikaw rin ang pipili ng makakatebo­l mo.”

Paliwanag pa ng floor manager, sa tebolan sinuswerte ang maraming hospitalit­y girls. May nagkakaasa­wa raw ng talagang milyonaryo. Hindi raw lahat nagnanasa lang. Mayroon ding umiibig. At marami raw ang matatandan­g nagtatapon ng pera ang makakatagp­o niya sa tebolan ng klab.

Sa unang pagtebol niya, hindi naging magandang karanasan. Hindi pa niya nauubos ang isang boteng orange na pinili niyang lady’s drink at hindi pa rin nangangala­hati ang beer ng lalaki, hinahagod na nito ang hubad niyang mga hita. Kay-ili pa naman ng may kanipisan nyang short-short.

Sa lady’s drink sila kumikita ng porsyento at sa tip ng katebol. Segun nga kung galante o barat ang makaktebol mo.

Hinayaan lang muna niya ang hagod ng lalaki. Pero nagulat siya nang maramdaman niyang wala na sa mga hita ang kamay. Naroon na iyon sa mismong ibabaw ng shorts. Nakadakot na!

“Ayoko…huwag!” Pagigil niyang sabi. “Alisin mo ‘yang kamay mo!”

Sa halip na alisin ang kamay ng lalaki, tinatangka nitong ibaba ang zipper ng kanyang shorts.

“Ayoko naa!” Sumisigaw na si Princess.

Isang bouncer ng klab ang lumapit sa kanila.

“May problema ba, sir?” Ang tanong ng bouncer ay para sa katebol ni Princess.

“Ang problema ay ang hayupak na babaeng ito!” Padarag na sabi ng katebol niya. “Para kinapa ko lang, galit na!”

“Walang pilitan dito, pare,” anang bouncer. “Kung ayaw niya ng ginagawa mo, hindi siya puwedeng pilitin. Tungkulin naming proteksyun­an ang tauhan naming.”

Hindi na hinintay ni Princess na magkaroon ng pagtatalo ang bouncer at ang tumebol sa kanya. Mabilis na siyang umalis.

Hindi rin maganda ang ikalawang karanasan niya nang pumayag siyang patebol.

Medyo may edad na ang lalaki. Mukhang kagalang-galang. Ayon sa pagkilala sa kanya ng lalaki, propesor daw ito sa isang unibersida­d. Sinabi pa nga ang pangalan ng unibersida­d na iyon. Ano ba’ng pakialam niya kung anong university iyon ay ni hindi naman siya nakarating sa mataas na pinag-aralan.

Ang pangalan ng lalaki ay Fermin, hindi malikot, hindi pangahas. Siguro ay nag-aral na tao.

Pagkaraan ng tig-isang bote nila, siya ay orange at ang lalaki ay beer, humiling ito: “Pwede bang makayakap?” Yakap lang pala. Di payakap. “Puwedeng maka-kiss?” Kiss lang pala. Di-pakiss. “Kuwan…ano, ano…” Bakit kaya humihingal. “Pahipo…” “Saan ka hihipo?” “Sa kuwan…sa ibabaw lang…” Tulad ng dati o kinagawian, nakashort siya ng halos ay labas ang ngingi ng puwit at tulad ng dati, manipis. Wala nang ibang suot sa ilalim ng short.

“Sige. Pero sa ibabaw lang talaga, ha?” Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines