Balita

Bangka tumaob, 16 patay

-

– Patay ang 16 na katao kabilang, ang anim na batang nalunod nitong Sabado, nang tumaob ang isang bangka ng mga migrante sa Aegean Sea.

Tatlong katao pa ang nawawala matapos lumubog ang bangka malapit sa isla ng Agathoniss­i habang sakay mga migrante mula sa Turkey patungong Greece.

Dalawang babae at isang lalaki ang ligtas na nakalangoy at ibinalita ang trahedya. Rumesponde ang ilang sasakyang pandagat at isang helicopter para hanapin ang mga bangkay at mga nawawala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines