Balita

R175k tinangay sa pinagtatra­bahuhan

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Pinaghahan­ap ng pulisya ang isang 23-anyos na secretary ng isang gasolinaha­n makaraang tangayin 0umano ang limang araw na kita ng establisim­yento sa Maharlika Highway sa Barangay H. Concepcion, Cabanatuan City, nitong Biyernes ng umaga.

Sa reklamo sa pulisya ni Bernadette Dayao y Panganiban, officer-in-charge ng Fuel Star, at tagaPurok 3, Bgy. San Isidro, bandang 10:30 ng umaga nang mabigo umanong i-remit ni Romelyn Candelaria y Maglalang, 23, ang P175,000 na kinita ng gasolinaha­n at simula noon ay hindi na pumasok sa trabaho.

Kinasuhan ni Sammy T. Ong, may-ari ng gasolinaha­n, ng qualified theft si Dayao sa piskalya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines