Balita

N. Mindanao, alternatib­ong tourist destinatio­n

HABANG NIRE-REHABILITA­TE ANG BORA

- Beth Camia

Iminungkah­i ng Department of Tourism (DoT) sa publiko na maaari ring gawing alternatib­ong tourist destinatio­n ang Northern Mindanao habang isinasaila­lim sa rehabilita­syon ang Boracay Island sa Malay, Aklan.

Paliwanag ni DoT Regional Director May Unchuan, ipinasya nilang buksan sa mga turista ang nasabing rehiyon upang tuluy-tuloy lamang ang pagdagsa ng mga ito sa bansa.

Dapat aniyang noon pang nagdesisyo­n ang pamahalaan na i-rehabilita­te ang isla dahil dinadagsa ito ng libu-libong turista mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Tinukoy din nito ang kautusan ni DoT Secretary Wanda Teo sa lahat ng regional office ng kagawaran na magsagawa ng on-site tourist inspection­s upang matiyak na hindi matutulad ang sitwasyon nito sa Boracay Island.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines