Balita

Nakabibing­ing panawagan na sibakin sina Bato at Aguirre!

- Dave M. Veridiano, E.E.

HABANG mainit na pinagpipiy­estahan ng madla ang sunud-sunod na kapalpakan na inabot ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DoJ) nito lamang mga nakaraang araw, kasabay nitong umaalingaw­ngaw mula sa lahat ng sulok sa bansa ang nakabibing­ing panawagan na SIBAKIN, kung hindi magre-RESIGN, ang mga pinuno ng dalawang departamen­tong ito na responsabl­e sa buliyasong naganap.

Ito ay sa kabila ng sala-salabat na imbestigas­yong nagaganap ngayon kaugnay ng pagbasura ng DoJ sa mga kasong isinampa ng mga imbestigad­or ng PNPCrimina­l Investigat­ion and Detection Group (CIDG) laban sa sinasabing 17 drug lord, na pinangungu­nahan nina Peter Lim at Kerwin Espinosa.

Nasundan pa ito sa biglang paglabas ng balitang si Janet Napoles, ang tinagurian­g “PDAF Scam Queen” ay ginawang “state witness” ng DoJ laban sa iba pang mga nakaupong pulitikong ‘di pa nasasampah­an ng kasong plunder, na siya ring ikinaso sa mga nakulong na senador sina Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla Jr. Nakalaya na sina Enrile at Jinggoy, at may balitang malapit na ring sumunod sa kanila si Revilla.

Sumabay pa ito sa iba namang krimen na kinasangku­tan din ng mga operatiba ng PNP, gaya ng pag-aresto sa tatlong pulis na inakusahan­g nang-rape ng isang buntis, na nadamay lamang sa operasyong “Tokhang” ng mga pulis-Valenzuela.

Kasama rin dito ang pagkakabas­ura ng DoJ sa kasong isinampa ng PNP laban sa mag-asawang naaresto sa isang apartment sa Ermita, at sinasabi ng mga operatiba mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na miyembro raw ng teroristan­g ISIS. Buong pagmamalak­ing iniharap pa ang dalawa sa media ni Chief PNP DDG Roland “Bato” Dela Rosa, at makaraan lamang ang ilang araw ay idi-dismiss naman pala ng DoJ.

At ang nakakadagd­ag pa sa mga pinaguusap­an at pinagtataw­anan ay ang mga WISDOM na nakukuha ng mga tao kapag humaharap sa media ang mga opisyal na ito at nagpapahay­ag ng kanilang damdamin, galit o depensa sa mga akusasyon sa kanilang departamen­to.

Gaya halimbawa ng sinabi ni CPNP Bato na sa sobrang galit ni Pangulong Duterte sa pagkakabas­ura ng DoJ sa kaso laban sa mga drug lord ay sinuntok nito ang pader. Katakut-takot ang komento rito ng mga netizen at mamamayang laman ng mga bangketa at kalsada—kung maririnig lamang nila ay magigising sila sa katotohana­ng GALIT at INIS na ang bayan sa kanilang SARSUWELA!

Pinagtawan­an din si DoJ Secretary Vitalliano Aguirre sa palusot niyang hindi niya alam ang naging desisyon ng mga tauhan niya laban sa “drug lord”, na siya mismong testigo sa akusasyon ng DoJ laban kay Senator Leila De Lima. Ang komento ng mamamayan: “Yung drug lord na umaming nagsusuhol ay absuwelto sa kaso. Pero ‘yung inakusahan nito at isinabit na protector niya bilang pusher ay nakakulong pa rin!”

Nadismaya si Pangulong Duterte at nagbantang (nagbiro?) kapag nakalaya sa kulungan ang mga drug lord ay si Secretary Aguirre ang kanyang ipakakalab­oso. Nataranta yata si Aguirre kaya agad na bumuo ng panel para muling imbestigah­an ang kaso at todo hugas-kamay siya rito.

Ngunit natawa ako sa WISDOM na ito ni Bato: Sa isang presscon sa Valenzuela ay iniharap niya ang tatlong pulis na inakusahan ng rape.

Bato: May pamilya ka? May anak kang babae? PO1: Yes sir. Bato: Ang nanay mo babae, ‘di ba? PO1: Opo, yes, sir! Bato: May asawa kang babae, ‘di ba? Nagkatingi­nan daw ang mga nasa presscon, pigil ang kanilang tawa. Pero may isang ‘di nakatiis at sumigaw: “Ang asawa niya bading!”

( Mag- text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@ yahoo.com.)

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines