Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-102 labas

ANG

katebol ngayon ni Princess ay isang Mr. Efren Caballero. Matagal-tagal na rin sila sa tebolan at marami-rami na rin siyang nakukunsum­ong lady’s drink, wala pang ginagawa ang Efren na ito. Mabagal din ito sa pagsimsim ng isa sa pinakamama­haling alak sa kanilang klab.

Hindi bastos si Efren na katulad ng maraming nagiging customer ng ganoong lugar. Pino ang mga salita nito. Sa totoo lang, inaasahan na niya ang maraming gagawin nito dahil ayon sa impormasyo­n, galante ito.

“Bago ka lang sa trabahong ito, di ba, Princess?”

“Kung maniniwala ka, Efren… first time ko dito.” “Um, gusto mong ialis kita rito?” Alam niya ang ibig sabihin ni Efren. Ibabahay siya. Igagarahe sa salitang klab. Alangan namang isipin niyang pakakasala­n siya.

Sabi uli ni Efren: “Libot ko ang mga bahay-aliwan hindi lang dito kundi sa kabuuan ng Greater Manila at dito lang kita nakita. At sanay akong kumilatis ng uri ng babae.”

Hindi siya kumibo. Nag-iisip siya.

Pagkuwan, aniya: “Hindi ako sanay manloko ng kahit sino, Efren.”

Sinabi pa niya, galing siya sa isang

dulong nayon. At may karanasan na rin siya. Pero ang tiniyak niya’y hindi niya ginusto ang kanyang karanasan.

“Naniniwala ako sa ‘yo, Princess. Sa kilos pa lang, sa pagsasalit­a, alam ko na kung niloloko lang ako ng isang babae.”

Inom sila. Inom. Pero simsim lang sila pareho. Parang nagpapahab­a lang sila ng oras.

Parang gustong itanong ni

Princess: Hindi ka ba gagawa ng aksiyon? Kaya ako nakipagteb­ol sayo, ibig kong kumita. Paano ako kikita kung ganito lang ang ating gagawin?

Ang lahat ng kanyang gustong sabihin ay nanatili sa kanyang isip. At ano ba itong nangyayari sa kanya, bakit lumalaki yata ang tiwala niya sa lalaking ito na ngayon lang niya nakatebol?

“Dapat na siguro akong magpaalam, Princess,” sabi ni Efren pagkaraan ng mahahabang oras. Sa wall clock sa Paraiso, malapit nang mag-alas dos ng madaling araw. “Nang mapahinga ka naman.”

“Oks lang naman sa ‘kin, Efren,” pinalambin­g niya ang tinig. At kailangang aminin niya sa sarili na hindi yata siya nainip.

“P’wede kayang humingi ng good night kiss?”

Sa halip na sumagot, inilapit niya ang kanyang mukha. Kung sa iba nga siguro siya tumebol, sa ganoon kahabang oras, malamang, pati kaluluwa niya, nakalkal.

Sa bibig siya hinagkan ni Efren. Halik ng isang bihasang lalaki. Matagal. Matiim. Aywan ba kung bakit, nagustuhan yata niya ang halik na iyon.

Bulong pa ni Efren: “May isa pa akong hiling kung puwede. Huwag ka munang papayag na mailabas ka.” Alam niyang ang ibig sabihin ni Efren ay huwag siyang sasamang magmotel.

“Wala pa akong sinasamaha­n kahit na sinong customer dito.”

Kinuha ni Efren ang isang kamay niya. May ipinadakot. Alam niya… pera! Tip!

Bulong uli: “Pasensiya ka na muna, Princess. Medyo naubusan ako ng cash.”

Nang wala na si Efren, takbo siya sa CR. Ibig niyang makita agad kung magkano ang iniwan sa kanya ni Efren.

Nanlaki ang mga mata niya. Puro lilibuhin. At sampung piraso ‘yon! Diyoskupo! Sampung libong tumatagint­ing! At wala siyang hininging kapalit kundi isang halik. Ganoon kaya si Efren sa lahat ng nakakatebo­l nito?

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines