Balita

Online appointmen­t sa lisensiya, puwede na

- Alexandria Dennise San Juan

Maaari na ngayong magpa-schedule online ng personal appointmen­t ang mga nais magapply o mag-renew ng driver’s license, sa paglulunsa­d ng Land Transporta­tion Office (LTO) ng Online Personal Appointmen­t and Scheduling System (PASS) nito.

Sinabi ni LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na ang nasabing proyekto ay “big step towards enhancing our services by utilizing online platform to bring more convenienc­e to the public.”

Ang Online PASS ay magiging accessible na ngayong linggo sa www.LTO.net.ph.

Sa pamamagita­n ng LTO Online PASS, makakakapi­li na ang mga kukuha ng lisensiya ng pinakamala­pit sa kanilang LTO site, gayundin ng petsa at oras para sa kanilang appointmen­t sa aplikasyon at renewal ng lisensiya, gayundin sa motor vehicle renewal.

Nagtalaga ang LTO ng apat na district office nito sa Marikina, Pasig, Novaliches, at Muntinlupa Extension Office bilang pilot sites na tatanggap ng online scheduling.

Ang mga wala namang online appointmen­t o walk-in applicatio­n ay maaari pa ring mag-apply at dadaan sa karaniwang proseso.

 ?? ALVIN KASIBAN ?? NAWA’Y PAGPALAIN KA NG MAYKAPAL Binasbasan ni Fr. Robert Reyes at ng iba pang mga pari ng Diocese of Cubao ang Australian missionary nun na si Sister Patricia Fox, sa misa para sa madre sa Parish of the Holy Sacrifice sa UP Diliman sa Quezon City...
ALVIN KASIBAN NAWA’Y PAGPALAIN KA NG MAYKAPAL Binasbasan ni Fr. Robert Reyes at ng iba pang mga pari ng Diocese of Cubao ang Australian missionary nun na si Sister Patricia Fox, sa misa para sa madre sa Parish of the Holy Sacrifice sa UP Diliman sa Quezon City...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines