Balita

'Carnapper' nakorner

- Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija - Hindi nakapalag sa pulisya ang isang 26anyos na lalaking umano'y sangkot sa pangangarn­ap ng sasakyan makaraang makorner sa Barangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City, nitong Huwebes ng umaga.

Nabigla pa ang suspek na si John Louie Pablo, 26, binata, helper, ng Purok Amihan, Bgy. Barrera, nang damputin siya ng mga pulis sa bisa ng arrest warrant na inilabas ni Judge Angelo Perez, ng Regional Trial Court Branch 27, sa kasong carnapping (RA 10883).

Aabot sa P200,000 ang inirekomen­dang piyansa sa pansamanta­lang kalayaan ni Pablo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines