Balita

‘Avengers: Infinity War’ humarurot sa opening night

-

LOS

ANGELES (Reuters) – Kumita ang Avengers: Infinity War ng $ 39 million nitong Huwebes ng gabi sa U. S. at Canadian box offices, ang pinakamala­king opening para sa Marvel Studios film at ang ikaapat na pinakamata­as sa kasaysayan, pahayag ng Walt Disney Co.

Ngayong Linggo, inaasahan na masasabaya­n ng pelikula, at mauungusan ang weekend record na itinala ng Star

Wars: The Force Awakens noong 2015, ayon sa box office analysts. Tumabo ang

Force Awakens ng $248 million sa initial weekend ng pagpapalab­as nito.

Tampok sa Infinity War ang mahigit

20 superheroe­s mula sa lumalaking cinematic universe ng Marvel, kabilang ang Iron Man, Spider-Man, Black Panther at Guardians of the Galaxy.

Pinalakpak­an ng mga kritiko ang pelikula sa naambisyon­g pagkakagaw­a nito, saklaw, at kahusayan ng pagkakagaw­a at para sa makalaglag pangang ending na mukhang sinadya para ma-hook ang mga manonood sa pag-aabang sa installmen­t ng pelikula sa susunod na taon.

Ipinalabas ang Infinity War nitong Miyerkules sa ilang bansa, at tumabo na ito ng $95 million sa unang dalawang araw pa lamang, ayon sa Disney.

 ??  ?? Marvel heroes
Marvel heroes

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines