Balita

Mag-ina tiklo sa buy-bust

- Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac - Kulong ang mag-ina matapos masamsaman ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Sitio Tarikan, Barangay Matatalaib, Tarlac City kamakalawa.

Kinilala ang mga inaresto na sina Limay Groyon, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang, 42; at Aries, 21, kapwa nangungupa­han sa nasabing lugar.

Sa report ni SPO1 Joey Apolonio, may hawak ng kaso, isinagawa ang operasyon, dakong 9:45 ng gabi.

Nakumpiska sa mag-ina ang dalawang pakete ng hindi pa matiyak na dami ng umano’y shabu at ang P500 marked money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines