Balita

Ex-fiscal ambush probe utos ni Albayalde

- Fer Taboy

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde sa Police Regional Office 10 ang imbestigas­yon sa pananamban­g sa dating prosecutor ng Ozamiz City na si Atty. Geronimo Marabe, Jr. sa Misamis Occidental noong Martes. Si Marabe ang nagsilbing abogado ni Ozamis City Vice Mayor Nova Parojinog. Base sa ulat, tinambanga­n si Marabe ng apat na hindi pa nakikilala­ng armado habang sakay sa kanyang sasakyan kamakalawa, bandang 10:30 ng umaga.

Aniya, kinausap na siya ni Police Supt. Jovie Espenido, hepe ng Ozamiz City Police Office (OCPO), at sinabing wala pang lead sa kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines