Angelica at Sam Milby na?

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni REGGEE BONOAN

KAARAWAN ni Sam Milby nitong Mayo 23 at magkakapareho ang wish ng malalapit niyang kaibigan, matagpuan na sana niya ang babaeng makakapagpasaya sa kanya habambuhay.

Marrying age na si Sam sa edad 34 at maging nitong ilang nagdaang kaarawan niya ay palagi rin naman niyang sinasabi na gusto na niyang mag- asawa kapag natagpuan na niya ang babaeng para sa kanya.

Ang TV host/blogger/ model na si Mari Jasmine ang huling seryosong karelasyon ng aktor, pero hindi rin sila nagtagal sa hindi malamang dahilan.

Curious tuloy kami sa birthday message sa kanya ng kaibigan niyang si

Angelica Panganiban na kasama sa production house na itinayo nila ni John Prats. Para kasing nade-develop na ang dalaga kay Samuel.

“Happy birthday, baby!!! I wish you all the happiness and peace and love that you super deserve kung hindi sa’kin galing ‘yung happiness, peace and love, tanggap ko basta, happy ka, baby!!! Lagi lang akong nandito. Aawayin ko lahat ng magpapaiyak sa ’ yo. At palagi kita hug and kiss and smell sa ( emoji) na masarap kapag kasama mo ‘ ko. Love you, Samsam @ samuelmilby.”

Base sa pagkakakilala namin kay Sam ay madali siyang ma- develop at who knows, baka sila nga ni Angelica ang para sa isa’t isa lalo’t iisa naman ang interes nila pagdating sa trabaho, magkakatulungan pa sila.

Sam at Angelica

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.