Balita

Sharon-Richard movie, ikinakasa

- –Nitz Miralles

ISA si Kris Aquino sa mga nag- like sa post ni Sharon Cuneta habang nakikipagm­eeting siya sa Star Cinema for her next movie.

“In Star Cinema now, being presented my brand new movie!!! Yipeee!!! So very happy!!! Thank you, Jesus!!!,” masayang post ni Sharon.

Wala pang detalye tungkol sa next movie ni Sharon at ang nakitang kasama sa pagpi-present sa kanya ng pelikula ay si Direk Olivia Lamasan na bagong managing director ng Star Cinema, scriptwrit­ers at ang manager ni Sharon na si Sandra Chavez.

Hindi pa sinabi kung sino ang makakatamb­al ni Sharon, pero may mga naniniwala­ng si Ormoc City Mayor Richard

Gomez ang leading man niya. May video kasi si Richard na naka-post sa Instagram account ni Noel Ferrer na ibinabalit­a nitong gagawa siya ng pelikula soon para kay Noel na supporter ng love team nina Sharon at Richard.

 ??  ??
 ??  ?? Sharon at Richard
Sharon at Richard

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines