Mag-iina laglag sa buy-bust

Balita - - Pangunahing Pahina - Ni MARY ANN SANTIAGO

Inaresto ng mga tauhan ng Marikina police ang magiina at isang lalaki sa buybust operation sa Barangay Nangka, Marikina City, nitong Miyekules ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sina Teofila Gonzales; at kanyang mga anak na sina Raffy at Fhria; at ang umano’y nobyo ni Fhria na si Lord Jayson Borja.

Sa report ng Marikina City Police, inaresto ang mga suspek sa kanilang tahanan sa 320 Bagong Silang Street, Bgy. Nangka, bandang 4:30 ng hapon.

Nakatanggap umano ng ulat ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Marikina City Police kaugnay ng ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya nagkasa ng buybust operation sa lugar.

Nang maisakatuparan ang transaksiyon, agad dinampot ang mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.