Balita

2 tiklo sa drogang nabisto sa yosi

- Orly L. Barcala

Nagsisisi ngayon ang isang 49-anyos na lalaki na naaresto, kasama ang isang babaeng teenager, matapos sitahin sa paninigari­lyo sa pampubliko­ng lugar na sanhi ng pagkakabis­to sa kanilang droga sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Bukod sa kasong paglabag sa City Ordinance No. 0367 (smoking in public), kinasuhan din ng paglabag sa Republic Act 9165 (possession of illegal drugs) sina Carlo Joaquin, ng 11th Ave., Caloocan City; at kalugar na si Kim Claire Vergara, 19.

Nasamsam sa kanila ang tatlong maliit na pakete ng umano’y shabu at sigarilyo.

Sa ulat ni Sr. Inspector Cecilio Tomas, Police Community Precinct (PCP) 7 commander, nagsagawa ng ‘ Oplan Galugad’ ang mga pulis sa lugar ng mga suspek na namataang naninigari­lyo sa kalsada, dakong 10:00 ng gabi.

Kinapkapan ang mga suspek at nakuha ang ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines