R140k pekeng yosi nakuha sa 5

Balita - - Balita - Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Arestado ang limang katao dahil sa umano’y pagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Barangay San Pascual sa bayang ito kamakalawa.

Sa ulat ni Police Supt. Joe Neil E. Rojo, hepe ng Talavera police, kinilala ang mga inaresto na sina Rolly Miranda Ancheta, Marlon Bautista Villeza, Rufo Gammad Bungag, Reimon Saviliego Bautista, 22, at Randy Miranda Ancheta, pawang nasa hustong gulang at mga residente ng Bgy. Salinas, Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon si PO3 Noel Rechel C. Cruz, hepe ng Talavera police, na may van na regular na nagbabagsak ng mga pekeng sigarilyo sa Bgy. San Pascual, Talavera, Nueva Ecija.

Nag-abang ang awtoridad sa naturang lugar at namataan ang van na may kasunod na isa pang van at isang kotse at pinara.

Nakuha sa tatlong sasakyan ang pitong kahon ng sigarilyo na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.