Korean ‘nagbigti’ sa opisina

Balita - - Balita - Lyka Manalo

BATANGAS CITY – Natagpuang nakabigti sa kanyang opisina ang isang Korean executive, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Hyung Dong Kim, 56, general manager ng Ventanas Philippines Construction Inc., tubong South Korea at naninirahan sa Pontefino Residences, Barangay Pallocan East sa lungsod.

Ayon kay Supt. Sancho Celedio, hepe ng pulisya, natagpuan ni Rommel Lontoc, driver ni Kim, ang bangkay ng biktima opisina nito sa ikalimang palapag ng Maptan Building, Bgy. Pallocan West, dakong 10:15 ng gabi. Isinugod pa si Kim sa Jesus of Nazareth Hospital, ngunit patay na ito. Sinasabing problemado sa trabaho ang biktima at ito ang sinisilip na motibo sa pagpapatiwakal nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.