Maine Mendoza, gaganap na butangera

Balita - - Showbiz - –Nora Calderon

MULING

nag-guest si Maine Mendoza sa Daig Kayo ng Lola Ko para sa “Laurang Butangera” episode na mapapanood this Sunday (May 27).

Tinanong ni Lhar Santiago si Maine para sa ‘Chika Minute’ ng 24 Oras, kung bakit siya pumayag sa role ni Laura na isang tricycle driver at nakikipag-away sa kalye.

“Ganyan po talaga ang role na gusto kong gawin, iyong light lang,” sagot ni Maine. “Nagustuhan ko po ang role ni Laura na palaban, ganyan po kasi ang character ko talaga, palaban din ako. Masaya po ako na nakasama ko rin si

Baeby Baste, na gumaganap bilang duwende, nasaktan ko siya, kaya pinarusahan niya ako.”

May mga kuha sa taping na nakikitang nakikipag-away si Laura sa mga lalaki sa kalye.

Nakasama rin ni Maine sa episode sina Lovely Rivero at

Robert Ortega na puring-puri ang professionalism at kabaitan niya.

Natanong din ni Lhar si Maine kung kailan siya uli gagawa ng movie. Marami na kasing naghihintay na AlDub fans sa muli nilang pagtatambal ni Alden Richards pagkatapos ng Imagine You & Me (2016).

“Ganu’n din po ang gusto kong gawing movie, iyong light lang, may pagka- comedy, kasi ganoon po ako talaga. Gusto ko iyong mga story na makaka-relate sa akin ang mga manonood.” Ang pambatang fantasy-drama anthology na Daig Kayo ng Lola Ko ay hosted by Ms.

Gloria Romero na napapanood every Sunday, pagkatapos ng 24 Oras Weekend ng GMA-7, ay idinidirihe ni Rico Gutierrez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.