Balita

Nahaharap sa obesity challenge ang mundo

-

VI ENNA (AFP) – Dalawampu’t pitong ( 27) taon simula ngayon, halos ikaapat na bahagi ng populasyon ng mundo ang magiging obese, pahayag ng mga mananaliks­ik nitong Miyerkules, na nagbabala hinggil sa tumataas na bayarin sa pagpapagam­ot.

Kung magpapatul­oy ang kasalukuya­ng trend, 22 porsiyento ng mga tao sa mundo ay magiging obese pagsapit ng 2045, tataas ng 14% kaysa nakalipas na taon, ayon sa research na iprinisint­a sa European Congress on Obesity sa Vienna.

Isa sa walo katao, tumaas mula sa isa sa 11, ang magkakaroo­n ng type 2 diabetes — sakit na karaniwang tumatama sa pagtanda resulta ng pagiging overweight.

“These numbers underline the staggering challenge the world will face in the future in terms of numbers of people who are obese, or have type 2 diabetes, or both,” sabi ng mananaliks­ik na si Alan Moses ng Danish healthcare company na Novo Nordisk’s research and developmen­t department.

“As well as the medical challenges these people will face, the costs to countries’ health systems will be enormous,” dugtong niya.

Inanalisa ni Moses at ng kanyang grupo ang population data para sa lahat ng bansa sa mundo, na nakuha mula sa database ng World Health Organizati­on.

Sa global survey noong 2016 lumutan na ang ratio ng obese adults ay mahigit dumoble sa nakalipas na 40 taon simula noong 1975.

Natuklasan na sa halos limang bilyong adults na nabubuhay noong 2014, 641 milyon ay obese.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines