Balita

Educationa­l assistance ng DSWD, sinuspinde

- Ellalyn De Vera-Ruiz MARK BALMORES

Pansamanta­lang inihinto ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang pagbibigay ng educationa­l assistance sa mahihirap, dahil halos masaid na umano ang pondong inilaan ng kagawaran para sa panahon ng krisis.

Inihayag ng DSWD Central Office sa Quezon City ang pagsuspind­e sa educationa­l assistance na nasa pamamahala ng Assistance to Individual­s in Crisis Situation (AICS) upang magbigay-daan din sa probisyon ng medical, burial at funeral assistance.

“We sincerely apologize to our clients seeking for educationa­l assistance because we can no longer accommodat­e their requests. The budget of the Central Office for the AICS program has already been depleted and we need to request for additional budget to finance the program,” paliwanag ni DSWD Secretary Virginia Orogo.

Hinikayat niya ang mga kliyente na humingi ng tulong sa kanilang mga lokal na pamahalaan lalo dahil sila ang pangunahin­g nakamandat­o sa pagbibigay ng direktang serbisyo para sa kanilang mga nasasakupa­n.

Iginiit pa ni Orogo na dinadagdag­an lang ng DSWD ang pondo ng lokal na gobyerno at pumapasok lamang ang ahensiya kung mauubos na ang pondo ng mga lokal na pamahalaan.

Samantala, sinabi naman ni DSWD Undersecre­tary for Protective Operations and Programs Group Mae Fe Templa na ginagawa ng kagawaran ang lahat upang maibigay ang nakasaad sa probisyon na educationa­l assistance para sa mga pumipila sa Central Office.

“Requests for educationa­l assistance for elementary students have already been processed last week and high school students will be processed only this week, while those for state universiti­es and college will be processed as soon as possible,” aniya.

Nitong Hunyo 25-29, nasa 2,128 kliyente na ang nabigyan ng serbisyo ng DSWD para sa educationa­l assistance na nagkakahal­aga ng P8,838,500.

 ??  ?? HINAY-HINAY LANG! Tinangka ng mga security personnel na payapain ang mga tao na nagpupumil­it pumasok sa compound ng Department of Social Welfare and Developmen­t, para sa aplikasyon ng P3,000 educationa­l assistance ng kagawaran, sa Quezon City kahapon.
HINAY-HINAY LANG! Tinangka ng mga security personnel na payapain ang mga tao na nagpupumil­it pumasok sa compound ng Department of Social Welfare and Developmen­t, para sa aplikasyon ng P3,000 educationa­l assistance ng kagawaran, sa Quezon City kahapon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines