Balita

Dengvaxia at BHS ng DoH, sabay pinondohan

- Leonel M. Abasola

Nadiskubre ng Senate Committee on Health na minadali umano ang pagapruba sa Special Allotment Release Order (SARO) ng Dengvaxia Fund, na nagkakahal­aga ng P3.5 bilyon, at napag-alamang kasabay nitong ipinalabas ang P1.8-bilyon pondo para sa Barangay Health Sanitation (BHS) program ng Department of Health (DoH).

Ayon kay Senator JV Ejercito, Disyembre 29, 2015 o anim na buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III ay nilagdaan ang nasabing release order, na pinatotoha­nan ni Health Undersecre­tary Roger Tong-6An sa pagdinig sa Senado kahapon.

Isiniwalat ni Tong-An na ang SARO number ng Dengvaxia ay 150028813, at 150028814 naman ang SARO number ng BHS. Pawang galing sa 2015 Miscellane­ous Personnel Benefits Fund ( MPBF) ang mga nabanggit na release order.

Samantala, sa susunod na linggo ay iimbestiga­han naman ng Senado kung paano nabili ng nakaraang administra­syon ang mga sasakyang ginagamit ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines