Balita

PULITIKA O QUARRYING?

R1- M pabuya alok vs Nueva Ecija mayor killers

- Nina ARIEL P. AVENDAÑO, AARON RECUENCO, BETH CAMIA, at LIGHT NOLASCO

Nag-alok ng P1-milyon pabuya ang pamahalaan­g panglalawi­gan ng Nueva Ecija para matukoy at maaresto ang mga suspek at ang mastermind sa pamamaslan­g kay General Tinio Mayor Ferdinand Bote sa Cabanatuan City, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa isang reliable source na tumangging magpabangg­it ng pangalan, mismong si Gov. Czarina Umali ang naglaan ng nasabing pabuya.

Kaugnay nito, iniimbesti­gahan na ng pulisya at ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) ang dalawang posibleng motibo sa pagpatay.

Inihayag ni Police Regional Office (PRO)-3 Director Chief Supt. Amador Corpuz na kabilang sa mga sinisilip nilang motibo ang pulitika at ang quarrying sa lalawigan.

“Based on the initial investigat­ion of our investigat­ing unit, they are looking into quarrying in Nueva Ecija and political issues as the possible motive,” sabi ni Corpuz.

Nilinaw ng pulisya na hindi kailanman napabilang sa narco-list ni Pangulong Duterte si Bote, 47, ng Barangay San Pedro Poblacion, Gen. Tinio, hindi katulad ng ibang napapatay na alkalde sa bansa na isinasangk­ot sa illegal drugs.

Binanggit ni Corpuz na bumuo na sila ng special investigat­ing team upang mapadali ang paglutas sa nabanggit na kaso.

Bukod sa negosyong quarrying, may constructi­on business din ang pamilya Bote sa Nueva Ecija, at kontratist­a ito sa mga proyekto ng National Irrigation Administra­tion (NIA) sa lugar.

Sa katunayan, galing si Bote sa tanggapan ng NIA sa Bgy. Imelda sa Cabanatuan, sakay sa kanyang sports utility vehicle (AAB 2020) dakong 4:50 ng hapon ng pagbabaril­in ng tandem.

Iniutos naman ni Department of Justice (DoJ) Secretary Menard Guevarra sa NBI na silipin ang kaso.

Una nang kinumpirma na magsasagaw ang hiwalay na imbestigas­yon ang NBI sa pamamaslan­g kay Tanauan City, Batangas Mayor Anthony Halili nitong Lunes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines