Balita

Barbie Imperial, celebrity VJ

-

MAGBIBIGAY kulay ang Araw Gabi leading lady na si Barbie Imperial sa numero unong music channel ng bansa bilang Celebrity VJ ngayong Hulyo.

Pagkakatao­n na para mapanood ang Kapamilya actress bilang host, kasabay ng kanyang paghahatid ng mga pinakabago­ng musika at pinaka-cool na videos sa music channel. Magbibigay din siya ng iba’t ibang payo tungkol sa buhay at pag-ibig. Samantala, si Jed

Madela naman ang nangunguna sa mga nakabibili­b na performanc­es bilang “MYX Headliner.” Nasungkit ng powerhouse singer ang Remake of the Year para sa kantang I’ll Be There kasama si Darren Espanto sa naganap na MYX Music Awards kamakailan.

Magpapakit­ang gilas rin ang rising star na si Tala gamit ang kanyang mga chart-topping songs sa pagsalang niya sa ilalim ng “MYX Spotlight.” Inilabas ng 18-anyos na singer-songwriter ang kanyang debut single na nothing personal noong Oktubre, na naging patok sa mga local hit charts.

Salubungin rin ngayong buwan ang VJ Search winners na sina Kaye Reyes at Samm Alvero sa kanilang pagsalang bilang opisyal na mga miyembro ng MYX Squad. Abangan sina VJ Kaye at VJ Samm sa kanilang panibagong paglalakba­y kasama ang MYX.

Samahan si VJ Barbie bilang MYX Celebrity VJ sa Pop MYX hanggang Hulyo 7, Mellow MYX simula Hulyo 8 hanggang 14, Pinoy MYX mula Hulyo 15 hanggang 21, at sa My MYX mula Hulyo 22 hanggang 28. Panoorin ang MYX sa SKYcable channel 23 at SKYdirect channel 37. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya ay bisitahin ang www. abscbnpr.com.

 ??  ?? Barbie Jed
Barbie Jed

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines