Balita

2 patay, 13 sugatan sa karambola

- Danny J. Estacio

ATIMONAN, Quezon – Dalawa ang patay at 13 ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Diversion Road, Barangay Santa Catalina dito, nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Shielo Asiao Corbito, 14, ng Bgy. Camastilis­an, Calaca Batangas; at Evelyn Asiao, 57, sa Bgy. Nagpayong Pasig City.

Sa imbestigas­yon, sinalpok ng Isuzu Forward truck (XLB-279), na minamaneho ni Elmer Gomez, 29, ng Bgy. Pita Dinalupiha­n Bataan, ang Mitsubishi L300 FB, na minamaneho ni Ronnie Atindido Panteriore, 51, ng Bgy. Poblacion Santa Elena Camarines Norte, at tuluyang bumangga sa Isuzu dropside truck (RAH-260), na minamaneho ni Randy Padayao Asiao, 50, ng Nagpayong, Pasig City, dakong 2:40 ng madaling araw.

Bukod sa mga driver, sugatan din sina Arlene Corbito, 48, ng Bgy. Camastilis­an Calaca, Batangas; Elisio Asiao, 44; Brixter Rita, 18; Irene Asiao, 38; Medina Castillo, 66; Justine Asiao, 10; James Angelo Bernal, 5; Analyn Asiao, 42; at Alvin Empenio Asiao, 33, pawang ng Nagpayong, Pasig City. Gayundin sina Michael Rosales at Guillermo Chavez.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines