Balita

Bonggo

- R.V. VILLANUEVA

Ika-61 labas

PATULOY

ang pag-uusap ng magkababat­a tungkol sa halaman na nakapagpaw­ala ng bisa sa gamot na ipinainom kay Erlinda.

“Hindi kaya dahon ng baging makabuhay?” Tanong ni Tandang Goring. “Malamang makabuhay ang ginamit na pangontra ng bonggo, Egle!”

“Dahon ng baging makabuhay?” Ulit ni Tandang Egle. “Hindi, kilala ko ang baging ‘yun!”

“Dahon ng baging karugtong?” Tanong uli niTandang Goring.

“Lalong hindi, Goring,” sagot ni Tandang Egle. “Hindi ginagamit na gamot ang baging karugtong, kinukuha lamang ang dagta ng baging ito dahil puwedeng gawing bolang laruan!”

“Totoo, Egle?” Tanong pa ni Tandang Goring.

“Oo, ginagawang laruang bola ang dagta ng baging karugtong dahil tumatalbog na parang bolang goma kapag binilog. ‘Yun ang dahilan kaya madalas marinig ang baging ito sa usapan,” paliwanag ni Tandang Egle.

“Dahon ng kahoy na nitu-nito?” Tanong uli ni Tandang Goring.

“Lalong hindi,” sagot ni Tandang Egle. “Magandang gatong lamang ang kahoy na nitu-nito kaya madalas mabanggit ng mga tao!”

“Suko na ako Egle,” wika ni Tandang Goring. “Hindi ko talaga mahuhulaan kung anong damo ang pinagmulan ng dahong iginamot ng bonggo kay Klaret.”

“Tama ang ginawa mo, Goring” sagot ni Tandang Egle. “Dahil tiyak ko, kahit sino hindi mahuhulaan kung ano ang pinagmulan ng dahong gamot ng mga nilikha mula sa daigdig ng kababalagh­an,” paliwanag uli ni Tandang Egle.

“Anong balak mo sa anak na isisilang ni Klaret?” Tanong uli ni Tandang Goring sa manghihilo­t.

Matagal na nanahimik si Tandang Egle sa tanong ni Tandang Goring na bakas na bakas sa mukha ang malaking pananabik na marinig ang sagot ng kababata at matalik na kaibigan. Ngunit nabigo siyang marinig ang hinihintay na kasagutan dahil sinabi ni Tandang Egle na pagiisipan muna niya ang susunod na gagawin sa ipinagbuut­is ni Klaret. Hindi man nagsalita, naglaro na sa isip ni Tandang Goring ang dahilan kung bakit hindi agad nakabuo ng balak ang kababata. Nagdalawan­gisip si Tandang Egle na bumuo bagong balak dahil natatakot siya sa maaaring gawin ngbonggo. Malinaw sa isip niya ang dahilan sa ginawa niTandang Egle, alam na ng bonggo ang ginawa nila sa anak nito.

“Egle, tama kaya ang balak nating patayin ang sanggol sa tiyan ni Klaret na anak ng nilikhang bonggo?” Tanong ni Tandang Goring.

“Kung magiging salot sa paglaki, tama ang balak natin,” sagot ni Tandang Egle. “Ngunit kung hindi, malinaw na mali ang balak natin!”

“Maging salot nga kaya ang anak ni Klaret paglaki tulad ng hinala

natin?” Tanong uli ni Tandang Goring.

“Hindi ko alam, naghinala lamang ako dahil anak ito ng bonggo,” paliwanag ni Tandang Egle.

“Hindi kaya maging normal at mabuting tao rin ang anak ni Klaret kahit bonggo ang ama?” Tanong pa ni Tandang Goring.

“Puwedeng mangyari ang sinasabi mong ‘yan,” sagot ni Tandang Egle. “Paano naman nabuo sa isip mo ang pangyayari­ng ‘yan?”

“Naalaala ko ‘ yung isa nating kaeskwela noon sa elementary­a na sinasabi ring anak ng bonggo. Mabait at umalis na lamang sa paaralan natin para iwasan ang panunukso ng mga kaklase natin,” paliwanag ni Tandang Goring.

“Tama ka,” wika ni Tandang Egle. “Baka mali ang hinala natin.”

“Ibig mong sabihin, hindi na natin pag-iisipan ng masama ang anak ni Klaret?” Tanong ni Tandang Goring.

“Hindi na, dahil bukod sa malaking kasalanan ang gagawin natin, baka gantihan tayo ng ama. Wala tayong kalaban-laban sa nilikhang ‘yun kapag nagalit sa atin!” sagot ni Tandang Egle. Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines