Balita

Tindero, binoga sa ulo

- Orly L. Barcala

Malubha ang lagay ng isang vegetable vendor makaraang barilin ng hindi pa nakikilala­ng suspek sa loob ng palengke sa Malabon City, nitong Linggo ng umaga.

Habang isinusulat ang balitang ito ay kritikal sa ospital dahil sa isang tama ng bala ng .45 caliber pistol sa ulo si Mario Tesoro, 36, stay- in vendor sa Malabon Public Market na nasa F. Sevilla Boulevard, Barangay Taniong.

Ayon sa report, bandang 10:00 ng umaga at abala sa kanyang puwesto sa gulayan sa palengke si Tesoro nang lapitan siya ng lalaking nakasuot ng basketball jersey at sombrero at malapitang binaril sa ulo kahit matao sa lugar.

Kaagad na tumakbo ang suspek palabas ng palengke, habang isinugod naman ng mga tao sa ospital si Tesoro.

Narekober sa pinangyari­han ng krimen ang isang basyo ng .45 caliber pistol, habang iniimbesti­gahan pa ang motibo sa pamamaril.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines