Balita

Bullet- proof vest sa Pangasinan cops

- Liezle Basa Iñigo

LINGAYEN, Pangasinan - Tiniyak kahapon ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na mas magiging epektibo ngayon ang pulisya sa pagpapatup­ad ng tungkulin dahil sa karagdagan nilang kagamitan, katulad ng mobile patrol at vest.

Kahapon, personal na ipinamahag­i ni PPPO Director Senior Supt. Wilzon Joseph Lopez ang kagamitan ng pulis sa kampo sa Lingayen para sa pagpapaigt­ing ng kampanya sa kriminalid­ad, kabilang na ang ilegal na droga.

Kasama rin sa tinututuka­n ngayon ng Pangasinan Police ang laganap na nakawan ng motorsiklo.

Aniya, mas mapapahusa­y ang serbisyo ng pulis sa karagdagan­g kagamitan at magiging mabilis ang responde ng mga pulis sa bagong mobile patrol at bullet proof vest ng mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines