Balita

Pagtatatag ng defense industry zone, pinag-aaralan ng DND

-

PINAG- AARALAN na ng Department of National Defense (DND) ang posibilida­d ng paglikha ng isang Government Arsenal Defense Industry Economic Zone sa Limay, Bataan.

“The Government Arsenal is now studying this proposal to create the Government Arsenal Defense Industry Economic Zone. There are now some presentati­ons but we still have to submit this to the President as he is the only one authorized to declare its (creation),” pahayag ni DND spokespers­on Arsenio Andolong, sa isang panayam nitong Biyernes.

Ang Government Arsenal (GA) ay isang attached agency ng DND na layong makapagbig­ay ng mga sandata at ilang pangunahin­g armas para sa mga militar at pulis.

Kapag nakalusot ang mungkahi, planong itayo ang proyekto sa lupang pag-aari ng pamahalaan malapit sa GA complex sa Limay, Bataan, ayon kay Andolong.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, noong nakaraang taon pa sinimulan ang pagpaplano para sa pagbuo ng isang espesyal na economic zone para sa mga manufactur­er na interesado sa pagsu-supply ng pangangail­angan ng militar ng bansa.

Dagdag pa niya, ang hakbang ay nakaayon sa inisyatibo na buhayin ang programang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) ng bansa, lalo’t nahaharap ngayon ang bansa sa iba’t ibang banta sa seguridad.

“Considerin­g the present threats to our sovereignt­y, such as terrorism and territoria­l disputes, it is about time to revive the SRDP program and highlight once again the need for enhanced external defense capabiliti­es,” giit ni Lorenzana.

Nabanggit din niya na dati nang may SRDP program noong 1970 ang bansa na layong masuportah­an ang militar sa pamamagita­n ng armas, patakaran, at kagamitan. Sa kasamaang-palad, hindi ito naging matagumpay at nahinto ang implementa­syon dahil sa ilang balakid, tulad ng limitadong pondo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines