Balita

Selena Gomez, dedma sa engagement ng ex

-

NAGPAKASAY­A si Selena Gomez kasama ang kanyang mga kaibigan sa New York City, kasunod ng balitang engaged na ang ex niyang si Justin Bieber kay Hailey Baldwin.

Sa videos na nakapost sa fan account ni Selena sa Twitter, kasama ng 25- anyos na pop star nitong Linggo ang kanyang mga kaibigan sa boat cruise sa New York City, iniulat ng People.

Sa isang video clip, nakitang nasa deck sila ng yacht, at tanaw mula roon ang Statue of Liberty habang si Selena — na nakasuot ng blue and white bikini — ay nagpapaton­g ng libro sa lamesa.

Sa pangalawan­g clip, nakita namang pinalalaka­s ni Selena ang loob ng kanyang mga lalaking kaibigan, dahil hinihimok niyang tumalon at maglangoy ang mga ito sa Hudson River.

Nitong Linggo ng hapon, nag-post ang assistant ni Selena, si Theresa Mingus, ng larawan kasama ang dating Disney star sa yacht, at makikitang ngiting-ngiti ang aktres.

Kalaunan ay nagsimula na ang fans ni Selena na magpa-trend ng #SelenaIsFr­eeParty sa Twitter.

Naganap ang N.Y.C. outing ni Gomez ilang oras makaraang mag-propose ang ex-boyfriend niyang si Justin, 24, sa 21anyos nitong girlfriend na si Hailey. Sa report ng TMZ, itinanong ng What Do You Mean singer ang proposal sa young model nitong Sabado ng gabi, nang mag-dinner sila sa Bahamas.

“It’s kind of a surprise, but kind of not. Justin has been extremely happy these past few weeks,” lahad ng source sa PEOPLE tungkol sa engagement. “He has known Hailey for a long time. This might seem sudden, but they know each other very well.”

Bago siya nagpropose kay Hailey, on-and-off ang naging relasyon ni Justin kay Selena sa loob ng ilang taon.

Unang umusbong ang mga usapusapan ng kanilang relasyon noong 2010. At nagkabalik­an ulit sila nang makipaghiw­alay si Selena kay The Weeknd, ngunit nagkahiwal­ay din nitong Marso.

Noong Abril, sinabi ng isang source sa PEOPLE na mahal pa rin ni Justin si Selena at nais niyang magkabalik­an sila. Ngunit nagbago ang lahat nang mag-init ang relasyon ni Justin kay Hailey — na naging karelasyon din ng Sorry singer noong 2015 hanggang 2016 – sinabi rin ng insider sa PEOPLE na “Justin has no contact with Selena now,” at, “He seems fine with it.”

 ?? Selena ??
Selena

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines